28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Ulat kaugnay na ika 4th ang Pilipinas sa pinaka delikadong lugar pinalagan ng PNP

- Advertisement -

Pinalagan ng PNP o Philippine National Police ang ulat ng ACLED o Armed Conflict Location and event project na ika-apat ang Pilipinas sa mga pinakadelikadong lugar para sa mga sibilyan sa buong mundo.

Ayon kay PNP Chief Police/ Gen. Oscar Albayalde, kaduda-duda ang timing sa pagpapalabas ng nabanggit na ulat.

Taliwas aniya ito sa survey ng HSBC na nagsasabing nasa 24 na pwesto ang Pilipinas sa mga lugar na mainam tirahan ayon sa mga dayuhan.

Sinabi ni Albayalde, posibleng mali ang impormasyon ng ACLED na nakuha nila mula sa mga tao o grupo na ang nais lamang pahiyain ang pamahalaan dahil sa tutol ang mga ito sa ginagawang reporma ng administrasyon.

“Sabi ko nga, I challenge this people na kung sino yung mga nagsasalita, they probably based yung mga sinasabi nila base lang doon sa mga naninira lang din na unfortunately kapwa rin nating mga Pilipino na naninira sa ating bansa at kung ano ano ang sinasabi nila sa ibang bansa kaya nagkakaroon ng maling interpretasyon at maling paniniwala na magulo dito sa ating bansa that is very unfortunate.” — PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde

(with report from Jaymark Dagala)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -