Ugnayan ng PH at Canada malabong maputol — DTI

Ugnayan ng PH at Canada malabong maputol — DTI

by Powered by DWIZ
0 comment 53 views

Malabong putulin ng Pilipinas ang ugnayan sa Canada dahil sa issue ng iniwan nitong mga container ng basura na iligal na ibinagsak sa Mindanao.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, kapwa gumagawa na ng paraan ang dalawang bansa upang maresolba ang issue.

Napakatagal na anya ng relasyon ng Pilipinas at Canada para humantong sa pagkaputol ng ugnayan ng dalawang bansa.

Gayunman, posibleng maapektuhan ang trade relations ng dalawang bansa lalo’t ang Canada ang isa sa top 20 trading partners ng Pilipinas simula pa noong 1949.

—–
0 comment

Related Posts