28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Turn over ceremony para sa Balangiga Bells naisagawa na

- Advertisement -

Inantabayanan ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pagsisimula ng aktibidad para sa turn over ceremony ng mga makasaysayang Balangiga Bells sa Samar ngayong araw.

Sa pagdating ng pangulo, dumiretso ito sa auditorium kung saan ginanap ang seremonya.

Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang unveiling ng tatlong makasaysayang kampana na dumating sa bayan ng Balangiga kahapon.

Kasunod nito, iniabot naman ni US Deputy Chief of Mission John Law kay Pangulong Duterte ang certificate of transfer ng mga kampana na siya namang ibinigay ng punong ehekutibo kay Balangiga Mayor Randy Graza kasama ang parish priest ng San Lorenzo De Martyr.

Matapos nito, nagbigay naman ng mensahe si Pangulong Duterte.

Sinundan naman ito ng isang thanks giving mass na unang sinabi ng pangulo na hindi niya dadaluhan.

Magugunitang noong Martes pormal na ibinalik ng Estados Unidos ang tatlong makasaysayang Balangiga Bells sa bansa matapos itong kunin ng US forces bilang war trophy sa loob ng mahigit isang siglo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -