TUNA FESTIVAL 2019, NANANAWAGAN SA PANGANGALAGA AT PAGPROTEKTA SA KARAGATAN

TUNA FESTIVAL 2019, NANANAWAGAN SA PANGANGALAGA AT PAGPROTEKTA SA KARAGATAN

by RPN News
0 comment 59 views

Panawagan sa pagptotekta at pangangalaga sa kalikasan ANG mensaheng NASA likod ng Tuna Festival 2019, dayon Kay Mayor Ronnel Rivera.

Ayon kay Rivera, malaki na diumano ANG ipinagbago ng karagatan na mayroon ding kaakibat na epekto sa tao, particular sa mga mangingisda. Nagiging seryoso na ANG Krisis sa pangingisda dahil sa kakulangan o kaunting huli. Patunay rito ang pag-abot ng mga mangingisda sa karagatang sakop ng ibang-bansa para mayroong mahuli. Dagdag pa ang fishing ban na ipinatutupad ng pamahalaan ng Indonesia sa mga dayuhang mangingisda dahil sa kakulangan ng nahuhuling isda.

Apektado ng nasabing ban ang lahat ng mga maliliit at malalaking mangingisda sa Southern Mindanao lalo na sa GenSan kung saan is a sa malakas na industriya ang mangingisda.

Maaalalang ipinagdiriwang ANG Tuna Festival para gunitahin ang kontribusyon ng endustriya ng tuna fishing sa paglago ng ekonomiya ng lungsod na kalaunang na kilala bilang Tuna Capital of the Philippines.

Dagdag ni Rivera na nais ng organayser ng Tuna Festival ngayong taon na maiparating sa publiko ang panawagan ng pakikiisa sa adbokasiya na pagprotekta at pangangalaga sa karagatan.

0 comment

Related Posts