30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

‘Tularan ang kabayanihan ng mga ninuno’ — mensahe ni Pangulong Duterte ngayong Nat’l Heroes Day

- Advertisement -

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na tularan ang mga kabayanihang ipinamalas ng mga ninuno para matamo ang kalayaan ng bansa.

Ito ang mensahe ng pangulo sa paggunita ng Araw ng mga Bayani ngayong araw na ito na ang tema ay “Pagkilala sa bayaning Pilipino: Matapang, magiting at makabayan”.

Binigyang diin ng pangulo na dapat gunitain ng sambayanan ang kasaysayan ng bansa at ang sama samang sakripisyo ng mga bayani ang dahilan para makamit ang kalayaan ng bansa.

Naniniwala ang pangulo na kaya ng bawat Pilipino maging bayani sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa.

Hinimok din ng pangulo ang sambayanan na maging matatag habang sinusuong ang mga pagsubok para makamit ang pagbabago at mapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.

Ang National Heroes’ Day ay unang ginunita noong taong 1931.

Mula 1931, itinakda ang holiday tuwing huling linggo ng Agosto hanggang sa lagdaan ni dating  pangulong Gloria Arroyo ang Republic Act 9492 noong 2007 na naglilipat sa mga regular at nationwide special holidays sa susunod na araw kung papatak ito ng araw ng Linggo.

Hindi naman nakadalo ang pangulo sa paggunita ng National Heroes’ Day sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig dahil sa masamang pakiramdam nito.

Sinabi ni Senador Bong Go na kailangang magpahinga ng pangulo na kahapon ay dumalo sa ilang private meetings at lumagda sa ilang mahahalagang dokumento.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -