TUCP nakiusap na ‘wag patagalin ang closure ban sa Isetann Mall

TUCP nakiusap na ‘wag patagalin ang closure ban sa Isetann Mall

by Powered by DWIZ
0 comment 25 views

Nakikiusap ang grupo ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) kay Manila Mayor Isko Moreno na huwag patagalin ang closure ban sa Isetann Mall.

Ayon kay TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, iginagalang nila ang desisyon ni Mayor Isko na ipasara ang Isetann Mall dahil sa kawalan ng kaukulang permit ngunit balansehin ng Alkalde ang interes at trabahong mawawala sa mga manggagawa ng naturang mall.

Kanya namang pinaniniwalaan na dapat parusahan ang Isetann sa paglabag nito ngunit hindi nararapat parusahan ang mga trabahador nito.

Samantala, umaasa naman ang TUCP na agarang itatama ng may ari ng Isetann at mga may ari ng negosyo sa loob ng mall ang kanilang pagkakamali para maibalik na sa normal na operasyon ang negosyo. — ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)

0 comment

Related Posts