Trump inanunsyo ang napipintong pagbibitiw sa pwesto ni Mcaleenan

Trump inanunsyo ang napipintong pagbibitiw sa pwesto ni Mcaleenan

by Powered by DWIZ
0 comment 22 views

Mismong si U.S President Donald Trump ang nagkumpirma na magbibitiw na bilang acting homeland security secretary si Kevin Mcaleenan.

Matatandaang si Mcaleenan ang ika-apat na opisyal na namuno sa naturang tanggapan sa ilalim ng administrasyon ni U.S Pres. Trump makaraang hilingin ng republican president ang pagre-resign ni Former Homeland Security Secretary Kirstjen Nielsen.

Bago naitalaga bilang acting secretary, naupo muna bilang commissioner ng U.S Customs and Border Protection si Mcaleenan.

Nakatakda namang ianunsyo ni Pres. Trump sa susunod na linggo ang papalit sa nabakanteng pwesto ni Mcaleenan.

0 comment

Related Posts