Trillanes pinapipigilan ang kasong rebelyon laban sa kanya

by Powered by DWIZ
0 comment
Trillanes pinapipigilan ang kasong rebelyon laban sa kanya

Pinapipigilan ni Senador Antonio Trillanes sa Court of Appeals ang pagdinig ng Makati Regional Trial Court Branch 150 sa kasong rebelyon laban sa kanya.

Sa kanyang inihaing petisyon, hiniling ni Trillanes sa Appealte Court na magpalabas ng TRO o Temporary Restraining Order upang pigilan si Judge Elmo Almeda na tanggapin ang mga ebidensya ng prosecution sa pagkakasangkot nya sa Manila Peninsula Siege noong 2007.

Kasama rin sa kahilingan ni Trillanes na ipawalang bisa ng C.A ang naunang ruling ni judge almeda na buhayin ang kanyang kasong rebelyon.

Matatandaan na binuhay ang kaso ni Trillanes matapos na maglabas ng proclamation si Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawalang bisa sa amnestiya na iginawad kay Trillanes.

Related Posts