28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Trillanes nakapagpiyansa na kaugnay sa kinahaharap na kasong libelo

- Advertisement -

Nakapagpiyansa na si Senador Antonio Trillanes IV sa Pasay City Regional Trial Court kaugnay ng kasong libelo na isinampa laban sa kanya ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Pasado alas-10:00 kaninang umaga nang dumating si Trillanes sa Pasay City Hall of Justice kung saan naglagak ito ng aabot sa siyamnapu’t anim na libong (96,000) pisong piyansa.

Ito ay para sa apat na warrant of arrest na ipinalabas ni Davao City Regional Trial Court Branch 54 Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang.

Nag-ugat ang kaso sa alegasyon ni Trillanes sa umano’y iligal na transaksyong kinasasangkutan ni dating Davao City Vice Mayor Paolo at bayaw na si Atty. Manases Carpio kabilang na ang nakalusot na 6.2 billion pesos shabu shipment at pangingikil sa ride sharing app na Uber.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -