31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Trillanes itinangging may koneksyon sa video na nag-uugnay kay Paolo Duterte sa illegal drugs

- Advertisement -

Itinanggi ni Senador Antonio Trillanes IV ang anumang koneksyon nya sa naglabas ng video na nag uugnay kay Presidential son Paolo Duterte sa sindikato ng illegal drugs.

Sa isang statement, binati ni Trillanes ang mga nasa likod ng video at nagpahayag ng panghihinayang na hindi sya kasama sa mga gumawa nito.

Ayon kay Trillanes, unti-onti nang nabibisto ang pagpapanggap ng Pangulong Rodrigo Duterte at bistado na aniya na talagang may koneksyon sila sa ilegal na droga.

Sa video na inilabas ng isang nagpakilalang bikoy na dati umanong miyembro ng drug syndicate, ibinunyag nito na mayroon siyang record ng tara o suhol na idinedeposito sa accounts ng drug lords na may code names na POLODELTA-TSGO1 at ALPHA TIERRA-0029.

Tinukoy nito ang polodelta account na pag-aari di umano ni Paolo Duterte samantalang ang alpha tierra ay pag aari di umano ni Agriculture Asst. Secretary Waldo Carpio, kapatid ni Manases Carpio na asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Sinabi ni Bikoy sa video na mayroong 170 million at 210 million na naideposito kay Paolo Duterte sa isang international bank nuong 2018.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -