31.6 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

TRENTO GAMING CORPORATION, HINDI NA LILIMITAHAN ANG BILANG NG MGA STL OUTLETS SA GENSAN

- Advertisement -

Hindina lilimitahan ang ilalagay na STL outlets sa GenSan, ayon sa bagong IRR na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng GenSan.

Sa isinagawang Committee Hearing sa Sangguniang Panlungsod ng GenSan, Miyerkules, Setyembre 25 2019, sa otonomiya ng Trento Gaming Corporatiion na pangasiwaan ang STL sa Gensan ay nalinaw ang ilang mga probisyon ng bagong IRR na naipasa isang taon ang nakalipas matapos lumabas ang usapin sa porsyento ng syudad mula sa kita ng STL operations.

Mula sa 110 na mga STL outlets ng buong syudad ay wala nang eksaktong bilang ng outlets ang pinahintulutang ilagay ng TGC hangga’t hindi nakalalabag sa itinakda ng batas.

Sa kasalukuuyan ay mayroong 203 na STL outlets sa buong syudad, 219 kung isasama ang 16 na mga sub-collecting stations.

Nakapagsagawa naman ang GSCPO ng 127 na mga police operations kontra illegal number games kung saan mayroong 244 na mga indibidwal ang nahuli kung saan 132 na amg mga kasong naisampa sa korte.

Hinihingi naman ni City Councilor Jeng Gacal, ang Chairperson ng Committee on Games and Amusement, sa area manager ng PCSO na magbigay ng kopya ng mga dokumentong nagpapatunay na compliant ang Trento Gaming Corporation sa mga clearance na hinihinhi ng tanggapan bago tuluyang maibalik ang operasyon ng STL sa syudad. Kabilang ditto ang shortfall, tax clearance at tax dues.

“There is a shortfall as far as the city is concerned.” wika ni Gacal sa gitna ng kalituhan sa hatian ng porsyento sa PMRR o Percented Monthly Retailed Receipt kung saan 3% ang parte ng lungsod na nagging mahikit 11 million mula sa mahigit 20 million. Ganoon din sa bahagi ng GSCPO kung saan may 0.6% at iba pang 0.6% naman na paghahatian ng 8 mga prisinto sa syudad.

Muling magpapatawag ng hearing ang kumitiba ni Gacal ngunit wala pang naitakdang petsa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -