Tone-toneladang shabu na nakapuslit sa Bureau of Customs iimbestigahan na rin ng Senado

0
63

Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Senado kaugnay sa umano’y 6.8 billion peso shabu shipment na sinasabing nakalusot sa Bureau of Customs.

Inihain na ni Senador Manny Pacquiao ang Senate Resolution no. 843 upang tutukan ang panibagong smuggling case.

Aminado si Pacquiao na nakaka-galit na ang paulit-ulit na report nang paglusot ng mga drug shipment sa aduwana kaya’t kung siya ang tatanungin dapat ng ibalik ang parusang kamatayan.

“Nahuli yung droga na marami, ilagay sa tabi niya yung droga tapos ipakita sa taong-bayan i-firing squad.” Pahayag ni Pacquiao.

Ayon kay Pacquiao, mas gusto niyang unahing hatulan ng bitay ang mga dayuhang nagpapasok ng iligal na droga sa bansa.

“Ewan ko Pilipino ang gumagawa o Foreigners na gumagawa gusto ko masampulan ang mga foreigners na nagpapasok dito sa ating bansa. Para sa akin walang batas, batas yan ang government para ma-disciplina, wala silang takot eh. Can you imagine? two years campaign of illegal drugs and then nagpasok pa talaga ng P6.8 billion na shabu. Kung foreigners man ang gumawa niyan, ang nagpadala dito nakakainsulto sila.” Ani Pacquiao.