Toll rates sa SLEX iminungkahing suspendihin muna

Toll rates sa SLEX iminungkahing suspendihin muna

by Powered by DWIZ
0 comment 42 views

Iminungkahi ng isang senador na suspendihin muna ang toll rates sa South Luzon Expressway (SLEX).

Kaugnay ito ng matinding bigat ng daloy ng trapiko dahil sa patuloy na konstruksiyon ng skyway extension project.

Ayon kay Gatchalian, ito na lamang ang relief na maibibigay ng pamahalaan sa publiko dahil sa hirap na hatid ng mabagal na daloy ng trapiko.

Aniya, kung hindi naman puwedeng tuluyang suspendihin ay maari naman na bawasan ang toll rates, habang nagpapatuloy ang konstruksiyon.

Dagdag pa ng Senador, dapat kasi pinagplanuhan ng mabuti ang konstrukisyon ng skyway extensiyon upang napag-aralan ang dami ng motorista na maapektuhan nito.

Matatandaang, una nang ipinanawagan ni Senator Grace Poe ang suspensiyon sa toll rate sa SLEX dahil na rin sa perwisiyong idinulot ng skyway construction sa mga motorista.

0 comment

Related Posts