Tila pambabalewala ni Duterte sa ‘Recto Bank incident’ ikinalungkot ng PHL boat captain

by Powered by DWIZ
0 comment
Tila pambabalewala ni Duterte sa ‘Recto Bank incident’ ikinalungkot ng PHL boat captain

Ikinalungkot ng kapitan ng fishing boat ng mga mangingisdang Pilipino ang naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyari sa Recto Bank.

Sinabi ni Joel Insigne na parang binalewala ng pangulo ang nangyari sa kanila o dahil wala aniyang namatay sa kanila.

Ayon kay Insigne, paglubog ng kanilang Bangka, ang ibang kasamahan nila ay nagtakbuhan, ‘yung iba ay nalaglag sa tubig at ‘yung iba naman ay nakakapit sa bangka.

Makalipas ang tatlong oras pa aniya bago sila nasagip ng Vietnamese vessel.

Related Posts