Tigil-pasada ng ACTO kasado na sa Lunes

Tigil-pasada ng ACTO kasado na sa Lunes

by Powered by DWIZ
0 comment 79 views

Kasado na ang kilos protesta sa Lunes, Hulyo 15 ng grupong Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO).

Ito mismo ayon kay Efren De Luna, pangulo ng grupo, kung saan sinabi nitong tuloy na tuloy at walang makakapigil sa ikakasa nilang kilos protesta laban sa PUV modernization program.

Anya, ganap na 8 ng umaga sila magtitipon-tipon sa Quezon City Memorial Circle kung saan dakong 10 naman ng umaga sila tutulak sa tanggapan sa LTFRB.

Dagdag pa ni De Luna, pinangangambahan lamang nila ang itinakdang palugit ng LTFRB para makasunod sa PUV modernization program na hanggang Hunyo lamang  ng susunod na taon.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ni De Luna na hindi  tutol ang kanilang grupo sa PUV modernization program  kundi sa ilang patakaran lamang na nakapaloob sa programa.

Paliwanag nito, imposible kasi ang mga alituntunin na nakapaloob sa programa dahil sa maliit na panahon na ibinigay sa kanila.

0 comment

Related Posts