28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Thunder nasungkit ang unang panalo kontra Trail Blazers sa round 1 ng NBA playoffs

- Advertisement -

Binuhat ni Russell Westbrook ang Oklahoma City Thunder upang makuha ang kanilang unang panalo sa laban sa Portland Trail Blazers, sa iskor na 120-108.

Kumamada ang former NBA MVP ng 33 points at 11 assists para tapyasan ang kanilang deficit sa serye sa kartadang 2-1.

Humanga naman si Paul George na tumipa ng 22 points sa ginawang pamumuno ni Westbrook upang masungkit ang kanilang napakahalagang panalo.

Nag-ambag din sa Thunder sina Jerami Grant na may 18 points at si Dennis Schroder na umiskor ng 17 points.

Nanguna naman sa Blazers si Damian Lillard na nagbuslo ng 32 puntos.

Samantala, susubukan naman ng Thunder na itabla ang serye sa nagpapatuloy na first round ng Western Conference playoffs na gaganapin sa kanilang teritoryo bukas, araw ng Lunes.

—–
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -