Terorismo at kriminalidad hangad mapigilan ng Oplan Mapayapa ng PRO 12

0
58

Sa patuloy na pamamatnugot ng awtoridad sa kanilang Oplan Mapayapa ng rehiyon 12, isa sa kanilang tututukan ang pagpigil sa terorismo at kriminalidad na nangyayari sa rehiyon. Ang nasabing programa ay napapalooban ng iba’t- ibang operasyon laban sa kriminalidad at pagrescue ng mga menor de edad na nasasangkot sa mga illegal activities ito ang inihayag ni Pol. Supt. Romeo Galgo official incharge ng Oplan Mapayapa matapos ang paglunsad ng nasabing programa sa lungsod ng Heneral Santos, Koronadal City, South Cotabato kung saan susunod na ang Sarangani at Cotabato City.

Ayon pa, magpapatuloy ang Oplan Mapayapa dahil naging positibo ang reaksiyon ng mga mamamayan, isa umano hinangaan ay ang pagrescue sa mga kabataan na makikita sa lansangang nakatambay na siyang maaring maging dahilan ng pagiging biktima ng karahasan kaya sa pagkakaroon nila ng curfew hours ay malilimitahan ang pagtambay at paglalabas ng mga kabataan.

Samantala nagkaroon rin ng positibong epekto sa mamamayan ang pagsunod sa batas, mahigpit na pagbabantay sa seguridad at pagpapatupad sa mga batas. Sa ngayon ay nanatiling  mahigpit ang pagbabantay ng awtoridad sa seguridad ng rehiyon at hindi rin binababa ang alert level nito. Aasahan rin umano ang kooperasyon ng  iba pang mga law enforcement unit upang masiguradong hindi malulusutan  ng mga taong may masamang hangarin. Isa sa hinigpitan ng seguridad ay ang mga lugar na mayroong vital installation o mga lugar na maaaring puntirya ng terorismo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here