Tatlong pulis sa SOCCSKARGEN pinasibak

by Powered by DWIZ
0 comment
Tatlong pulis sa SOCCSKARGEN pinasibak

Ipinag-utos ni Interior Secretary Eduardo Año ang pagsibak sa pwesto ng tatlong opisyal ng SOCCSKARGEN police.

Kaugnay ito ng dalawang bilyong pisong halaga ng investment scam na tinatawag na PPM o Pulis Paluwagan Movement.

Kinilala ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya ang mga sinibak na pulis na sina Col. Manuel Lukban, Col. Raul Supiter at Lt. Col. Henry Viñas.

Paliwanag ni Malaya, ang pagsibak sa tatlong pulis ay upang mabigay daan sa isasagawang imbestigasyon ng CIDG o Criminal Investigation and Detection Group sa anomalya.

Sinabi ni Malaya, aabot sa 30 police personnel at sibilyan ang umano’y nasa likod ng scam kung target nito ang malaking bilang ng mga opisyal ng PNP at kanilang pamilya sa General Santos at kalapit na mga lugar.

Pinapangakuan umano ang mga sumasali at magiinvest sa PPM ng 60 porsyentong interest rate kada 15 araw.

Related Posts