Tatlo katao nasawi, 14 nawawala sa hagupit ng bagyong Hagibis sa Japan

Tatlo katao nasawi, 14 nawawala sa hagupit ng bagyong Hagibis sa Japan

by Powered by DWIZ
0 comment 18 views

Umakyat na sa tatlo katao ang bilang ng nasawi habang 14 ang nawawala sa Japan dahil sa hagupit ng bagyong Hagibis.

Ayon sa mga otoridad, nasa 7.3 milyong katao na ang inatasan mag-evacuate dahil sa pananalasa ng bagyong Hagibis na nagdulot ng pagbaha, landslide at buhawi na nagwasak ng maraming kabahayan sa naturang bansa.

Batay sa naiulat na datos, tatlo na ang nasawi, mahigit 90 ang sugatan at 14 ang nawawala dahil sa pagbaha ng maraming lugar sa Japan.

Samantala, nagpalabas na ng highest level emergency warning ang Japanese meteorological agency sa buong Japan.

0 comment

Related Posts