NDRRMC naka-red alert na sa pagpasok ng ‘Ompong’
September 11, 2018
Kamara ibinasura ang impeachment complaint laban sa SC justices
September 11, 2018
Show all

DXDX GenSan
Task Group “Hamungaya” maghahain ng sakdal laban sa mga suspek ng Isulan Bombing

Tuluyan ng sinamapahan ng sakdal ang ilang mga miyembro umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na pinaniniwalaang nasa likod ng pagpapasabog ng improvised explosive device noong Agosto 28 taong kasalukuyan sa Isulan Sultan Kudarat. Ang nasabing paghain ng sakdal ay pinangunahan ng Special Investigation Task Group Hamungaya ito ay sa pamumuno ni Police Sr. Sup. Oliver Enmodias Deputy Regional Director/ SITG Chairman kung saan isinagawa ito noong Setyembre 7.

Sa pahayag naman ni Police Chief Sup. Eliseo Tam Rasco Regional Director ng PRO-12 ang SITG ay naghain ng sakdal laban sa mga suspek sa Provincial Prosecutor ng Sultan Kudarat kung saan haharap ang mga ito sa kasong multiple murder with multiple frustrated murder.

Ayon naman sa awtoridad, isang itim na bag na may lamang IED ang iniwan sa ilalim ng isang motorsiklo alas 8:20 ng gabi sa harap ng isang buy and sell store sa Barangay Kalawag 3, Sultan Kudarat dahil sa pagsabog ng bomba ito ay nagresulta sa pagkasugat ng 36 ka-tao, ikinasawi ng 3 biktima at ikinasira ng isang motorsiklo kung saan nangyari ito kasabay sa pagdiriwang ng Hamungaya Festival at 61st Founding anniversary ng lugar. Napag-alaman din makalipas ang limang araw naitala naman ang ikalawang pagsabog noong Setyembre 2, na ikinasawi rin ng dalawang teenager at 12 naman ang nasugatan sa insidente.

Inihayag rin na malapit na nila malutas ang tunay na dahilan ng ikalawang pagsabog at kung sino ang mga responsible dito habang mayroon computerized facial composite ng mga suspek ang ipinakita para sa media publicity. Itinuro naman ng task group ang BIFF na siya umanong responsable sa likod ng bomb attacks sa munisipyo noong Agosto 28 at Setyembre 2.

Samantala, isang press conference ang isinagawa sa isang hotel dito sa lungsod ng Heneral Santos ngayong araw kung saan inihayag ng Regional Director na isa itong malaking hamon sa kanyang panunungkulan ang nangyaring insidente mula ng siya ay umupo bilang Regional Director ng PRO 12, karagdagan pa sa kanyang labing-anim araw na pag-upo sa posisyon, ilang mga serye na ng bomb incident ang nangyari at inamin nito na kanya ng sinisimulan ang ilang mga hakbang o paraan upang maresolba ang mga problema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *