Taong grasa pumasok sa riles ng MRT

0
64

Sugatan ang isang taong grasa matapos siyang paputukan ng mga security guard ng Metro Rail Transit o MRT nang tumalon ito sa riles ng tren sa pagitan ng Ayala at Magallanes sa Makati City.

Ayon sa ulat, alas-8:43 kaninang umaga nang makitang naglalakad sa riles ang hubo’t hubad na lalaki.

Sinasabing nahinto ang biyahe ng isa sa mga tren ng MRT matapos na makipag-patintero umano ng taong grasa.

Sinubukan namang lapitan ng mga security guard ang naturang taong grasa ngunit nakipagpambuno umano ito at namato kaya’t dito na pinaputukan sa paa ng mga awtoridad.

Agad namang dinala sa Magallanes station ang lalake para lapatan ng lunas.

Ang riles sa pagitan ng Ayala at Magallanes Station ay street level kaya’t nagawang makapasok ng lalaki nang hindi dumadaan sa entrance.

—-