Tanggapan ng DAR sinugod ng mga magsasaka

by Powered by DWIZ
0 comment
Tanggapan ng DAR sinugod ng mga magsasaka

Binato ng lupa ang tanggapan ng Department of Agrarian Reform ng mga galit na galit na magsasaka na hanggang ngayon ay umaasa sa pangako ng pamahalaan sa repormang palupa.

Kabilang sa mga grupo na lumusob sa tanggapan ng DAR ang grupong Amihan, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Anakpawis.

Ayon kay Amihan Chairperson Zenaida Soriano, ang Comprehensive Agrarian Reform Program ay lubos napapakinabangan ng mga landlord at oligarchs para mapanatili ang kanilang kapangyarihan sa mga kaawa-awang manggagawang bukid.

Ayon pa sa grupo na simula January 2018, umabot lamang sa 561,000 hektarya ang naipamahagi ng DAR habang ang mga magsasaka na nabigyan na ng certificate of land ownership award ay kalaunan ay nakakansela para sa reclassification at land use conversion.

Matapos na batuhin ng lupa ang harapan ng DAR, mapayapa namang umalis ang grupo para magtungo naman sa Mendiola.

Related Posts