Tanauan City Mayor Antonio Halili ililibing na ngayong araw

0
56

Libu-libong mamamayan ng Tanauan City, Batangas ang lumalahok sa ‘Walk of Justice’ o solidarity march kasabay ng paghahatid sa huling hantungan ni Mayor Antonio Halili, ngayong araw.

Ito, ayon kay Tanauan City acting mayor Jhoanna Villamor, ay upang ipanawagan ang katarungan para sa pinaslang na alkalde.

Nagsimulang mag-martsa ang mga Tanaueño ala sais ngayong umaga sa Plaza Mabini patungo sa bahay ni Mayor Halili sa Josefa Village, Barangay Sambat kung saan siya nakaburol.

Matapos nito ay didiretso sa St. John the Evangelist Parish Church kung saan isang misa ang isasagawa mamayang alas otso hanggang alas nwebe y medya.

Alas diyes y medya hanggang alas dos y medya naman mamayang hapon ay dadalhin ang labi ng alkalde sa Tanauan City Hall para sa isang public viewing at necrological service.

Isa namang funeral march ang isasagawa mula Tanuan City Hall hanggang Loyola Gardens kung saan ihihimlay si Halili, mamayang alas tres ng hapon.