28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang ikatlong SONA tumagal ng 48 minuto

- Advertisement -

Naihatid na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino ang kanyang ikatlong State of the Nation Address kahapon.

Tumagal ang talumpati ng pangulo ng 48 minuto na pinalakpakan ng 34 na beses.

Sumentro ang SONA ni Pangulong Duterte sa illegal na droga, terorismo, TRAIN Law at pederalismo.

Sinunod din ni Pangulong Duterte ang kanyang nakahandang talumpati na nagsasaad ng mga nagawa ng kanyang administrasyon sa loob ng dalawang taon.

Bahagi din ng talumpati ng pangulo ang paglatag ng mga plano niya pang gawin sa natitira niyang termino sa pwesto.

Hindi naman nakitaan ng mahahabang impromptu speeches ang SONA kung saan kilala ang Pangulong Duterte.

Kapansin-pansin din sa naging talumpati ng pangulo na wala ito halong pagmumura.

Gayunman, naantala ang talumpati ni Pangulong Duterte ng isang oras at dalawampu’t isang minuto na dapat sana ay nagsimula ng 4:00 ng hapon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -