29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Taiwanese national timbog sa drug raid sa isang hotel sa Maynila

- Advertisement -

Timbog ang isang Taiwanese national sa isinagawang raid operations sa pitong palapag na gusali ng Gold Life Hotel sa Tambakan St. sa Binondo, Maynila.

Nasabat ng mga awtoridad mula sa Manila Police District o MPD ang tinatayang tatlumpung (30) milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu at mga baril sa nasabing suspek na nakilalang si Chan Chin Hao, 31-taong gulang na nag-iimbak maging ng mga sangkap ng illegal drugs sa ika-limang palapag ng nasabing gusali.

Sinabi ni NCRPO Cjief Police Director Guillermo Eleazar na ilang araw na nagsagawa ng surveillance ang mga tauhan ng MPD sa nasabing dayuhan na mayroong aniyang transakyon sa pagbili ng bala at baril para ipuslit kasama na rin ang illegal drugs.

 (Ulat ni Aya Yupangco)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -