Villar nangunguna sa senatorial survey — SWS
October 12, 2018
Pimentel aminadong kahit suspindihin ang excise tax mananatili pa ring mataas ang inflation
October 12, 2018
Show all

Taas presyo ng Noche Buena products mararamdaman sa weekend — DTI

Mararamdaman na ngayong weekend ang taas presyo sa mga Noche Buena product.

Ito’y makaraang aprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit na taas presyo sa naturang mga produkto.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, may basehan naman ang pagmahal ng mga pagkaing panghanda sa pasko.

Isa na rito aniya ang pagtaas ng presyo ng raw materials kaya’t umaaray na rin umano ang mga manufacturer.

Gayunman, nilinaw ni Castelo na hindi lahat ng brands ng mga pinanghahanda sa pasko ay magtataas ng presyo kaya’t maaari aniyang subukan ng mga mamimili ang mga hindi gaanong kilalang tatak ng mga produkto upang makamura.

Maaari umanong i-check sa website ng DTI ang kanilang ilalabas na listahan ng mga produktong pang Noche Buena na nagtaas, nanatili o bumaba pa ang presyo.

Comments are closed.