Suspek sa pamamaslang sa 1 yr old bata sa Makati isasalang sa inquest proceedings

Suspek sa pamamaslang sa 1 yr old bata sa Makati isasalang sa inquest proceedings

by Powered by DWIZ
94 views

Nakatakdang isalang sa inquest proceedings ang suspek sa pamamaslang at panghahalay sa isang taong gulang na batang lalaki sa Makati City.

Ayon kay Makati Police Chief Colonel Rogelio Simon, kakasuhan ng rape at homicide ang suspek na si Gerard Riparip sa Makati City Prosecutor’s Office ngayong araw.

Nakatakda ring isalang sa drug test ang suspek kahit pa sinabi nitong alak lamang ang kanyang ininom kaya nagawa ang krimen.

Kahapon ay naaresto ang suspek kung saan inamin rin nito ang ginawang pag abuso sa bata.

0 comment

Related Posts