Suspek sa Cebu Slay Case hawak na ng NBI

by Powered by DWIZ
0 comment
Suspek sa Cebu Slay Case hawak na ng NBI

Hawak na ng NBI o National Bureau of Investigation sa Davao ang suspek sa karumal dumal na pagpatay sa isang dalagita sa Lapu Lapu City sa Cebu.

Natunton di umano ng otoridad ang suspek na si Jonas Bueno habang umiinom ng alak sa Matina Crossing sa Davao City kung saan siya namamasukan sa isang construction site doon.

Nadakip si Bueno sa tulong na rin umano ng mga miyembro ng komunidad na nakakita kay Nueno base na rin sa kumakalat na larawan nito sa Facebook.

Sinasabing kabilang sa iniimbestigahan ngayon ay kung kabilang sa isang kulto ang suspek.

Matatandaan na natagpuan sa isang bakanteng lote ang labi ni Christine Lee Silawan na tadtad ng saksak, binalatan ang mukha at tanggal pa ang dila nito at lalamunan.

Samantala, sa paunang interogasyon, itinanggi ni Bueno na may kinalaman siya sa krimen.

Related Posts