Survey na dapat maibalik sa Pinas ang control sa West PH Sea pinaboran ng Palasyo

by Powered by DWIZ
0 comment
Survey na dapat maibalik sa Pinas ang control sa West PH Sea pinaboran ng Palasyo

Pinaboran ng Malacañang ang lumabas na survey ng social weather stations (SWS) kung saan mayorya ng mga Pilipino ang nagsasabing dapat ay maibalik ang kontrol ng gobyerno ng Pilipinas sa mga inookupang isla ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dapat lamang na ito ang maging hangarin ng mga Pilipino.

Gayunman, sinabi ni Panelo na hindi ganun kadali ang lahat sa pag-gigiit ng teritoryo ng Pilipinas.

Aniya, mas makabubuti pa rin kung dadaanin sa diplomatikong negosasyon ang naturang usapin.

Magugunitang muling umusbong ang tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas noong Hunyo matapos banggain ng isang Chinese vessel ang bangkang pangisda ng 22 mangingisdang Plipino sa Recto Bank.

Related Posts