33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Surigao del Norte nagdeklara na ng dengue outbreak

- Advertisement -

Nagdeklara na ng dengue outbreak ang Surigao Del Norte matapos na sumampa sa mahigit 1,000 ang bilang ng mga nagkakasakit nito.

Batay sa datos ng Surigao Del Norte Provincial Health Office, umaabot na sa 1,154 ang naitalang kaso ng dengue sa buong lalawigan mula Enero hanggang Agosto 14 ng 2019 at dalawa na ang nasawi.

Pinakamataas na bilang ng nagkaroon ng dengue ang naitala sa Surigao City na umaabot sa 536 at sinusundan ng bayan ng Claver sa 102.

Ayon kay Surigao Del Norte Governor Francisco Matugas, makatutulong ang deklarasyon ng outbreak para magamit ng lalawigan ang kanilang calamity fund at mabigyang ayuda ang mga tinamaan ng dengue.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -