Supply ng tubig sinisikap nang maibalik sa 100 porsyento

by Powered by DWIZ
0 comment
Supply ng tubig sinisikap nang maibalik sa 100 porsyento

Sisikapin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS na maibalik ng isang daang (100) porsyento ang supply ng tubig sa katapusan ng Marso.

Ayon kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco, sa ngayon 95 porsyento na ng mga lugar na sineserbisyuhan ng Manila Water ang mayroon nang supply ng tubig.

Aniya, una nang tiniyak ng Manila Water na maitataas nito sa 99 porsyento ang supply ng tubig, bago pa man matapos ang kasalukuyang buwan.

Samantala, nilinaw naman ni Velasco na hindi agad-agad na maibabalik sa normal ang supply ng tubig.

—-

 

 

 

 

Related Posts