Suplay ng kuryente sa Luzon nananatiling manipis – NGCP

by Powered by DWIZ
0 comment
Suplay ng kuryente sa Luzon nananatiling manipis – NGCP

Nananatiling manipis ang suplay ng kuryente sa Luzon grid ngayong araw.

Alas-nuebe kanina nang muli na namang itaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert at magtatagal ito hanggang 5 ng hapon.

Subalit muling sasailalim sa yellow alert ang Luzon grid matapos ang isang oras o mula 6 hanggang 7 ng gabi.

Batay sa tala ng NGCP, mayroong 11, 208megawatts na available capacity habang aabot naman sa 10, 738megawatts na peak demand ditto.

Related Posts