Sunod-sunod na pagbagsak ng power plants sisilipin ng Senado

by Powered by DWIZ
0 comment
Sunod-sunod na pagbagsak ng power plants sisilipin ng Senado

Nagkaisa sina Senador Sherwin Gatchalian at dating Bayan Muna Party-list Representative Neri Colmenares na paimbestigahan sunod-sunod na shutdown ng limang power plant sa Luzon na naging dahilan para ilagay sa red alert status ang Luzon grid.

Ayon kay Colmenares, posibleng ginawa lamang ang shutdown upang gumawa ng artificial shortage para mapagtibay ang posibleng dagdag singil sa kuryente.

Tila aniya, ginagawang hostage ang mga customers ng Meralco dahil sa kawalan ng kuryente sa gitna ng tag-init at nalalapit na eleksyon.

Nanawagan naman si Gatchalian, Head ng Senate Committee on Energy sa Department of Energy (DOE) at Philippine Competition Commission na imbestigahan ang posibleng sabwatan at market manipulation ng mga power producers sa Luzon grid.

—-

 

 

 

Related Posts