Summer jobs bukas na para sa mga estudyante—DOLE

by Powered by DWIZ
0 comment
Summer jobs bukas na para sa mga estudyante—DOLE

Bukas na sa mga estudyanteng nais mag-apply ng summer job ang Special Program for Employment of Students (SPES) ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa nalalapit na bakasyon ng mga mag-aaral.

Ayon kay Dominique Rubia-Tutay, tagapangasiwa ng DOLE Bureau of Local Employment, bukod sa kita ay layunin din ng naturang programa ang mahubog ang kasanayan ng mga kabataan habang estudyante pa lamang.

Prayoridad aniya nila ang mga mahihirap ngunit karapat-dapat na estudyanteng may edad labinglima (15) hanggang tatlumpu (30).

Pasok naman sa mga maaaring mag-apply sa naturang programa ang mga estudyanteng may pasadong marka at mga “out of school youth” na nais bumalik sa pag-aaral.

—-

 

 

 

Related Posts