Subic Freeport expressway isasailalim sa Expansion Project

by Powered by DWIZ
0 comment
Subic Freeport expressway isasailalim sa Expansion Project

Isasara sa mga motorista ang SFEX o Subic Freeport Expressway simula ngayong araw, July 13.

Ito ay para magbigay daan sa Expansion Project ng nabanggit na Expressway at bilang paghahanda sa gaganaping Southeast Asian o Sea Games sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang disyembre 11

Sa ilalim ng nabanggit na 1 point 6 billion Capacity Expansion Project, gagawin nang 4 ang lane ng SFEX.

Ayon sa NLEX Corporation, Operator ng SFEX, kanilang inaasahang mabubuksan ang unang phase ng Expressway Project sa Oktubre.

Samantala, pinapayuhan naman ang mga motorista na gagamit ng SFEX na pansamantala munang dumaan inilagay na alternatibong ruta sa Causeway Road at Argonaut-Kalayaan Access Road.

Related Posts