Strict curfew sa mga household workers ipinatutupad sa HK – Labor sec

Strict curfew sa mga household workers ipinatutupad sa HK – Labor sec

by Powered by DWIZ
53 views

Ipinatutupad ang istriktong curfew para sa mga household workers kasunod ng nagpapatuloy pa ring mga kilos protesta sa Hong Kong.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, lahat ng mga household worker ay may curfew kahit pa tuwing araw ng kanilang day off at pagkatapos ng oras ng kanilang trabaho.

Pinapayuhan ang mga ito na manatili na lamang sa bahay kahit gabi dahil madalas na nangyayari sa ganitong panahon ang mga riot.

Inatasan din ang mga ahensiya na sunduin ang mga bagong Filipino domestic helper pagdating nito sa Hong Kong International Airport.

Mahigpit ding binabawalan ang mga employer na isama ang kanilang mga kasambahay sa anumang kilos protesta.

0 comment

Related Posts