State of emergency idineklara sa Saipan at mga karatig na lugar

State of emergency idineklara sa Saipan at mga karatig na lugar

by Powered by DWIZ
0 comment 34 views

Inaprubahan na ni U.S President Donald Trump ang emergency declaration sa mga lugar na tinamaan at  dadaanan pa ng super typhoon hagibis.

Ito ay ayon sa anunsyong inilabas ng Office of Governor of Commonwealth’s Northern Mariana Islands.

Dahil sa deklarasyong ito ay agad nang kumilos ang Federal Emergency Management Agency para magpatupad ng emergency measures sa mga naturang lugar.

Sa ngayon, makikita ang mata ng bagyong hagibis sa Anatahan island na nasa hilagang bahagi ng Saipan.

0 comment

Related Posts