Sri Lankan Pres. Maithripala Sirisena dadalaw sa bansa

by Powered by DWIZ
0 comment
Sri Lankan Pres. Maithripala Sirisena dadalaw sa bansa

Dadalaw sa bansa si Sri Lankan President Maithripala Sirisena matapos itong imbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), magaganap ang state visit ni Sirisena mula Enero 15 -19, 2019.

Sinasabing ito ang kauna-unahang high-level visit ng isang foreign government leader sa Pilipinas ngayong taon.

Pahayag naman ni DFA Assistant Sec. Elmer Cato, magkakaroon ng bilateral discussions sina Pangulong Duterte at Sirisena na may kaugnayan din sa pagpapalakas ng relasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang usapin.

Related Posts