Southern California niyanig ng M7.1 lindol

Southern California niyanig ng M7.1 lindol

by Powered by DWIZ
0 comment 83 views

Muling niyanig ng malakas na lindol ang Southern California.

Batay sa ulat, naitala ng U.S. Geological Survey at European Mediterranean Seismological Agency ang magnitude 7.1 na lindol malapit sa ridgecrest sa Kern County.

Isang araw naman ito matapos ang naunang pagtama ng magnitude 6.4 na lindol sa kaparehong lugar.

Kasunod nito, agad nagdeploy ng mga sasakyan at helicopters ang Los Angeles Fire Department para alamin kung nagdulot ng mga pinsala sa mga ari-arian at kung may nasaktan sa pagyanig.

Samantala, sa pinakahuling ulat, ibinaba ng European Mediterranean Seismological Agency sa magnitude 6.1 ang lakas ng nabanggit ng lindol.

0 comment

Related Posts