South Cotabato Provincial Jail Pinasok

by RPN
0 comment
South Cotabato Provincial Jail Pinasok

General Santos City— isinagawa ang oplan galugad nang pinagtibay na pwersa ng PNP, PDEA 12 at BJMP South Cotabato Provincial Jail 6:00 nang umaga.

Ayon ky Police Senior Superintendent Joel Limson, Provincial Director nang South Cotabato Provincial Police Office na marami-rami ang nakumpiska sa ginawang operasyon. Gaya nalang ng mga matutulis na mga armas at iba-pang mga illegal na kontrabando na mahigpit ipinag-babawal sa loob ng City Jail. Dagdag pa ni PSsupt Limson hindi maiwasan na mayroong mga makukuha na mga kontrabando sa loob dahil ilang buwan walang ginawang galogad sa loob ng city jail.

Habang isiniwalat ni Juan Lanzaderas, ang Jail Warden ng South Cotabato Jail na madalas nilang mabawi ang  mga improvised na armas.

Kung saan nagsiwalat sa pamamagitan ng patuloy na construction sa loob ng pasilidad, hindi maiiwasan na mayroong dinadampot na mga bilanggo katulad ng mga bakal at  kutsara na ginagawang  improvised na kutsilyo.

Bukod sa mga  kontrabando,  nagnegatibo rin sa illegal na droga at drug paraphernalia ang South Cotabato Provincial Jail.

Dagdag sa pahayag ni Lanzaderas hindi ito ang unang pagkakataon nagnegatibo ang provincial jail sa ginawang  oplan galugad pero kaniyang inamin  na mayroong mga narekober noon nakaraang mga buwan gaya ng illegal na droga na dinadaan sa mga pagkain na dinadala ng mga dalaw.

Related Posts

Leave a Comment