Sorpresang earthquake drill isinagawa ng PNP

by Powered by DWIZ
0 comment
Sorpresang earthquake drill isinagawa ng PNP

Nagsagawa ng sorpresang earthquake drill ang Philippine National Police sa general headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Ganap na alas-8:00 kaninang umaga nang tumunog ang alarma na hudyat ng pagsisimula ng drill, nag-dock, cover and hold o nagtago sa ilalim ng mga mesa ang mga pulis at non-uniformed personnel.

Pinigil din sa paglalakad ang ilang sibilyan sa loob ng kampo upang makibahagi sa shake drill.

Matapos tumunog ang sirena, isa-isang naglabasan ang mga pulis at empleyado patungo sa open parking lot na malayo sa mga gusaling posibleng gumuho sakaling tumama ang malakas na lindol.

—-

 

 

 

Related Posts