SONA speech ni Pangulong Rodrigo Duterte ,hindi umano tatagal ng isang oras

0
79

Hindi  umano aabutin ng isang oras  ang speech ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address sa Hulyo a-23.

Ayon kay Presidential Spokeman  Harry Roque,   babasahin ni Pangulong Duterte ang inihandang speech para sa kanya na hindi lalampas ng 35 Minuto.

Magmumula anya sa puso ang ikatlong SONA ng punong ehekutibo.

Magugunitang inabot ng isa’t kalahating oras ang inabot ng unang sona ni pangulong duterte noong hulyo 2016 at dalawang oras naman sa  ikalawang sona noong hulyo nang isang taon.