Shortlist para sa SC associate justice inilabas na ng JBC

by Powered by DWIZ
0 comment
Shortlist para sa SC associate justice inilabas na ng JBC

Inilabas na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang listahan ng mga pangalan na papalit kay Supreme Court Associate Justice Mariano Del Sastillo.

Ito ay matapos maabot ni Castillo ang mandatory retirement age sa darating na Hulyo 29.

Kabilang sa shortlist ang apat na Court of Appeals Associate Justice na sina Apolinario Bruselas Jr., Japar Dimaapao, Jhosep Lopez, at Rodil Zalameda.

Kabilang din naman sa listahan sina Court of Tax Apeals presiding Justice Ramon Del Rosario Garcia at Court Administrator Jose Midas Marquez.

Isusumite naman ang naturang shortlist kay Pangulong Rodrigo Duterte para makapili ito ng kaniyang ika-sampung appointee sa korte suprema.

Inaasahan namang magtatalaga si Pangulong Duterte ng panibagong mahistrado at tatlo pang associate justice bago matapos ang taong kasalukuyan.

Related Posts