Bagong Commanding General ng PAF pinangalanan na
December 6, 2018
Pangulong Duterte hinamong magpa-drug test ni Trillanes
December 6, 2018
Show all

Shabu lab sa Greenhills San Juan sinalakay ng mga awtoridad

Nadiskubre ng Philippine National Police (PNP) ang isang shabu laboratory sa North Greenhills San Juan City.

Sa bisa ng search warrant ay sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bahay na inuupahan ng isang kinilalang si Philip Jacob Nokob, isang Korean chemist na di umano’y gumagawa ng shabu.

Nakuha sa bahay ang mga high tech na makina sa paggawa ng shabu at kung ilang drum ng mga kemikal na kinabibilangan ng 37 sako ng ephidrine na may kakayahang makagawa ng limampung (50) milyong pisong halaga ng shabu.

Ayon kay PNP-NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, posibleng isang malaking sindikato ng shabu ang nasa likod ng operasyon ng shabu laboratory.

—-

 

 

 

Comments are closed.