27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Serbisyo Sa Senior Citizens, Palalawigin Pa

- Advertisement -

Nilinaw ni General Santos City Office of Senior Citizen Affairs Head Celso Mendoza na palalawigin pa at pagagandahin ang serbisyong ibinibigay ng gobyerno para sa mga senior citizen.

Sinagot ni Mendoza ang kaliwa’t-kanang tanong ng mga media patungkol sa mga serbisyo at usapin sa mga nakatatanda at ang pagkumpirma na mayroong itatatag na National Commission on Senior Citizen kung saan ay pipili si Pangulong Rodrigo Duterte ng Chief Commissioner at anim (6) na iba pang commissioners na tigdadalawa (2) mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa kasalukuyan ay ginagawa na ang IRR o Implementing Rules and Regulations ng nasabing batas na napirmahan ng Panglulo noong Hulyo 25.2019 na inaasahang matatapos sa loob ng halos isang taon.

Makatutulong diumano ang pagkabuo ng Commission upang masmapalawig at maisaayos ang sistema ng mga serbisyo ng pamahalaan sa mga senior citizen.

Sa kasalukuyan, mayroong humigit-kumulang 37 000 na mga senior citizen ang kasalukuyang nakarehistro sa OSCA ng GenSan kung saan ay 14 000 ang tumatanggap ng social pension kabilang na ang 27 mga centenarian na siyang pinakamalaking bilang sa Rehiyon XII.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -