30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Senate committee report sa Universal Health Care Bill nakatakdang ilabas ngayong araw

- Advertisement -

Umaasa si Senate Committee on Health Chairman JV Ejercito na sesertipkahan na bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magtatatag ng Universal Health Care Program.

Ngayong araw nakatakdang isalang sa review ng mga senador ang panukala at pagkatapos ay pag- dedebatehan ito sa plenaryo.

Positibo rin si Ejercito na mapaglalaanan ng gobyerno ng pondo ang mga programang ipapatupad sa ilalim nito.

Una rito, nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso sa kanyang ikatlong State of the Nation Address na agad ipasa ang panukalang batas.

Sa ngayon, lusot na sa ikatlo’t huling pagbasa ng kamara ang panukala.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -