Senate Blue Ribbon Committee irerekomendang kasuhan si PNP chief Albayalde

Senate Blue Ribbon Committee irerekomendang kasuhan si PNP chief Albayalde

by Powered by DWIZ
0 comment 27 views

Irerekomenda ng Senate Blue Ribbon committeee ang pagsasampa ng kaso laban kay Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde dahil sa pagkakaugnay nito sa mga ‘ninja cops’ at pagrerecycle ng mga iligal na droga.

Ayon kay Senador Richard Gordon, chairman ng komite, naghihintay na lamang ng lagda mula sa mga kapwa niya senador ang report ng Blue Ribbon committee matapos imbestgahan ang isyu.

Dagdag ni Gordon, bagama’t wala pa silang partikular na kasong isasampa kay albayalde, nakatitiyak siyang maaaring mapanagot ito sa kasong kriminal at administratibo.

Aniya, pag-uusapan pa ng komite ang posibilidad kung graft and corruption at negligence ang isasampa laban kay Albayalde.

0 comment

Related Posts