Senador Go hindi tututol na paimbestigahan sa Kamara ang Malasakit centers

Senador Go hindi tututol na paimbestigahan sa Kamara ang Malasakit centers

by Powered by DWIZ
0 comment 31 views

Hindi tututol si Senador Christopher Lawrence Bong Go sa panawagan ni Albay Rep. Edcel Lagman na paimbestigahan sa Kamara ang Malasakit centers.

Ayon kay Go, layon ng naturang mga center na tumulong sa tao kaya welcome ang sino man na silipin ang operasyon nito.

Aniya, isa itong solusyon ng Duterte administration para sa libu–libong Pilipino na humihingi ng tulong sa gobyerno para sa pagpapagamot.

Binigyang diin ni Go na non–partisan ang Malasakit centers kaya kahit sino man ang humingi ng tulong dito ay tutulungan nang walang hahanaping endorsement o ID mula sa mga pulitiko.

Una nang sinabi ni Lagman na kailangang alamin kung epektibo bang nagagamit ang mga Malasakit centers at hindi sa pamumulitika lamang.

0 comment

Related Posts