Senado at Kongreso ready na mag-special session para sa 2019 national budget – Andaya

by Powered by DWIZ
0 comment
Senado at Kongreso ready na mag-special session para sa 2019 national budget – Andaya

Nakahanda ang dalawang kapulungan ng Kongreso na magkaroon ng diyalogo para maayos na ang hindi napagkakasunduan kaugnay ng naantalang panukalang budget para sa 2019.

Ayon kay House appropriations committee chairman Rolando Andaya Jr., bukas sila panukala ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na magsagawa ng special session ang dalawang kapulungan.

Gayunman, nanindigan si Andaya sa posisyon ng House of Representatives na dapat i-itemize ang lahat ng mga nakapaloob na lump sum sa panukalang 2019 budget.

Samantala iginiit naman ni Sotto na ang nais ng Senado ay maibalik ang orihinal na 2019 General Appropriations Bill na naaprubahan at niratipikan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Related Posts