Sen. Pacquiao itinalagang spokesman ng PDP-Laban

Sen. Pacquiao itinalagang spokesman ng PDP-Laban

by Powered by DWIZ
130 views

Itinalaga ng PDP-Laban si Senador Manny Pacquiao upang maging spokesman ng partido pagdating sa karera para sa house speakership.

Ayon kay Senador Koko Pimentel, pangulo ng partido, ibinigay na nya kay Pacquiao ang responsibilidad na ihayag sa publiko kung sino ang manok ng PDP-Laban para sa house speakership race.

Kabilng sa mga miyembro ng PDP-Laban na naghahangad na maging house speaker ay sina Cong. Lord Allan Velasco, Cong. Aurelio Gonzales at Cong. Pantaleon Alvarez.

0 comment

Related Posts